Panukalang ‘Divorce Bill’ umusad na

UMUUSAD na sa kamara ang panukalang batas para sa mas mura at mabilis na proseso sa pagpapa-divorce.

Umaasa si Albay Rep. Edcel Lagman, pinuno ng technical working group, na walang haharap sa nasabing panukala.

Kasabay ng International Day for Women sa Marso a-otso ay sisimulang talakayin sa plenaryo ang kontrobersyal na panukala.

Samantala, nagpahayag na ng pagtutol si Magdalo Rep. Gary Alejano sa Divorce Bill dahil naniniwala ito sa “sanctity of marriage”.

Nakasaad sa panukala na ang agrabyadong asawang babae ay exempted sa court fees at ang korte ang magtatalaga ng abogado para sa petitioner mula sa Integrated Bar of the Philippines.

Papayagan din ang korte na magtalaga ng psychologist o psychiatrist na mas mababa ang halaga o libre.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *