Palasyo: Utos ni Duterte na barilin ang mga kababaihang NPA, hindi dapat seryosohin

HINDI daw dapat seryosohin ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na barilin ang mga kababaihang miyembro ng New People’s Army sa kanilang private part.

 Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing nito sa Kalinga Province.

Ayon kay Roque, marami pa rin sa mga kritiko ng Pangulong Duterte ang hindi pa nasanay sa istilo ng pananalita nito.

Binigyang diin ng tagapagsalita ng Palasyo na mas bigyang bigat ang total ban na ipinatutupad ng pangulo sa bansang Kuwait para na rin sa kapakanan ng mga kababaihang Overseas Filipino Workers upang hindi mabiktima ng pang-aabuso.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *