Ombudsman, kinuwestyon sa paglilihim nito sa dismissal ng kaso ni Senador Trillanes laban sa pangulo.  

ITO ang tanong ni Solicitor General Jose Calida kay Ombudsman Conchita Carpio Morales kung bakit hindi nito agad isinapubliko ang pagbasura nito sa kaso ni Senador Antonio Trillanes kaugnay sa umano’y mga tagong yaman ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Solgen Calida, kwestyunable ang motibo ng Ombudsman sa pagtatago nito sa nasabing impormasyon.

Sa liham ng Ombudsman sa Office of the Solicitor General may petsang February 12, 2018– nakasaad na “closed at terminated” ang kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.

November 29, 2017 pa ng ibasura ng Ombudsman ang kaso na inaprubahan ni Deputy Ombudsman Cyril E. Ramos.

Bago naman ang May 2016 election, nagsampa ng plunder case si Trillanes sa Ombudsman laban sa pangulo dahil sa umano’y maanomalyang bank accounts nito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Ombudsman sa banat sa kanila ng OSG.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *