Golden State Warriors, patuloy ang winning streak

PINALAWIG pa ng Golden State Warriors ang kanilang winning streak.

Ito’y matapos tambakan ng NBA defending champion ang Phoenix Suns sa iskor na 129-83 sa pangunguna ni Stephen Curry na kumamada ng 22 points.

Nagdagdag pa sa tagumpay ng Warriors ang ginawang 19 points ni Omri Casspi, 17 points ni Kevin Durant at tig-16 points nina Klay Thompson at Nick Young.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Warriors.

Samantala sa PBA, magiging maaksyon ang Araneta Coliseum ngayong araw ng mga puso dahil magsasagupa ang Phoenix Fuel Masters at Meralco Bolts sa ganap na alas kwatro ng hapon.

Sunod namang  maghaharap ang TNT katropa at Globalport Batang Pier, pagsapit ng alas siyete ng gabi.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *