Dahil sa pagpapadismiss kay Cong. Garcia, kapangyarihan ng Ombudsman pinarerepaso

PINAREREPASO ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman sa isinusulong na pag-amiyemda sa Konstitusyon o Charter Change.

Ito ay matapos patawan ng dismissal order ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si House Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia dahil sa pagbili ng lupa.

Binigyang diin ni Fr. Ranhilio Aquino, miyembro ng Constitutional Committee o Con-Com, na ang walang limitasyon sa disciplinary authority ng Ombudsman ang madalas na pinagmumulan ng away sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno.

Matatandaan na kinuwestyon ng ilang congressmen ang desisyon ni Morales na ipa-dismiss si Garcia dahil ang reklamo daw ay nangyari noong Gobernador pa ito.

Sinabi ni Aquino na maaaring i-akyat ni Morales sa Supreme Court ang kanyang desisyon kung hindi ito susundin ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *