Pang. Duterte, tinanggap ang imbitasyon ng pamahalaan ng Kuwait na bumisita sa kanilang bansa

KINUMPIRMA ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III
na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti Government
na bumisita sa Kuwait sa susunod na buwan.

Ginawa ni Bello ang kumpirmasyon matapos ang pagpupulong nina Pangulong
Duterte at Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh sa
Malakanyang.

Sinabi ni Bello na target ng pangulo na malagdaan ang kasunduan na magbibigay ng
dagdag proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Sa ngayon ay pinaplantsa na ng DOLE ang memorandum of agreement sa pagitan ng
Kuwait at Pilipinas.

Kaugnay nito, tiniyak ni Ahmad na magbibigay ang Kuwait ng legal at moral
protection sa mga OFWs na may reklamo o nagka-problema sa kanilang mga
employer.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *