5 pulis ng SPD, timbog sa pangingikil

ARESTADO ang labing apat na katao sa isang drug den sa Kahilom 2, Pandacan, Maynila.

Tatlo sa mga naaresto ay pawang menor de edad.

Narekober sa lugar ang 30 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang mga suspek.

Dinala naman sa Department Of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad.

Samantala, timbog ang limang pulis ng Southern Police District (SPD) na sangkot sa robbery at extortion.

Kinilala ang mga ito na sina PO3 Simon Respicio, PO2 Jimmy Abadines, PO1 Kervilyn Dugyawe, PO1 Moli Esmail at PO1 Randy Mangubat na mga nakadestino sa Special Operations Unit.

Nadakip ang mga pulis matapos isumbong ng kaanak ng isang naarestong suspek ang pangingikil sa kanila ng P20,000.

Isinailalim na sa restrictive custody ang mga pulis at inihahanda na para sa inquest proceeding.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *