4 katao, kabilang ang dating pulis, arestado sa drug raid sa Koronadal City

INARESTO ng mga tauhan ng pulisya ang dating pulis at dalawang kasamahang babae sa isinagawang drug raid sa Koronadal City.

Kinilala ang dating pulis na si Nonoy Potato at ang dalawang babae na isang alyas Chicklet at Melanie Aguacito.

Nahuli ang mga suspek sa inilunsad na operasyon sa Hechanova Street, Pantua Village, Barangay Zone 3.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan si potato sa pagtutulak ng droga sa kanilang lugar.

Narekober sa mga suspek ang tatlong medium sachet ng pinaniniwalaang shabu, marked money at mga drug paraphernalia.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *