Abueva at Almasan, hindi pa rin nahahanapan ng kapalit sa Gilas Pilipinas

WALA pa ring nahahanap na kapalit ang Gilas Pilipinas kay Alaska Small Forward Calvin “The Beast” Abueva at Rain or Shine Center Raymond
Almazan.

Sinibak ni Gilas Coach Chot Reyes sina Abueva at Almazan nang hindi umano makadalo sa unang tatlong ensayo sa Meralco Gym.

Giit ni Reyes, wala umanong dahilan upang hindi makasali ang dalawang manlalaro sa practice dahil tuwing Lunes lamang ang kanilang ensayo.

Nakatakdang harapin ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Australia para sa Fiba World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 22.

Samantala, sa Nba, pinaulanan ng 28 points ni Houston Rockets Point Guard James Harden ang Miami Heat na nagdala sa kanyang team sa pagkapanalo, sa score na 99 to 90.

Bago ang halftime, lamang ng double digits ang miami pero dumikit kalaunan ang laban sa buong second half ng laban.

Tabla ang score ng dalawang grupo tatlong minuto bago matapos ang laban, nang biglang magpakawala ng three points si Harden.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *