7 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko

SUMUKO sa mga otoridad ang pitong teroristang New People’s Army (NPA) at tatlumpu’t limang tagasuporta nito sa lalawigan ng Masbate.

Ito ang kinumpirma ni Southern Luzon Command Commander Lt. General Danilo Pamonag.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang kabilang ang dalawang M16, arm lite rifle, cal. 30 garand, tatlong cal. 38 revolver, cal. 45 pistol at improvised explosive device (IED).

Sa ngayon ay sumasailalim na sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ang mga sumukong rebelde upang mapagkalooban ng pera kapalit ng kanilang armas na isinuko, livelihood assistance at iba pang social benefits.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *