PNP, nagtalaga ng 68 checkpoints sa paligid ng Mt. Mayon

NAGTALAGA ang Albay Police ng animnapu’t walong checkpoints sa paligid ng
Bulkang Mayon.

Aabot naman sa tatlong daang mga pulis ang idineploy sa mga lugar na
dadaanan paakyat sa danger area ng bulkan.

Ito ay dahil hindi makontrol ang patuloy na pagpasok ng mga evacuees sa
loob ng danger area para makauwi sa kanilang mga tahanan upang kumuha
ng mga pangangailangan at makakain sa bundok dahil sa hirap umano sa
evacuation centers at kakulangan ng relief goods.

Layon din nito na masawata ang mga taong mananamantala at magnanakaw
sa mga iniwang kabahayan.

Sa pinakahuling tala, bumaba na sa 6,831 pamilya o 25,940 katao ang nasa
loob ng evacuation center matapos mag-decamp ang mahigit labing isang
libong evacuees sa Legazpi City na nasa labas ng 6-Km Danger Zone.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *