Nagpapanggap na abogado na pamangkin umano ni PNP Chief Dela Rosa, kalaboso

ARESTADO ang isang nagpapanggap na abogado na nangingikil sa kaniyang mga
biktima sa isang
entrapment operation ng Philippine National Police sa Iloilo City.

Tinukoy ng pulisya ang suspek na nagpakilalang si Alex Dela Rosa na umano’y
pamangkin ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

Ang operasyon ay isinagawa ng pulisya matapos dumulog sa kanilang himpilan ang
biktimang si Hernando Sonio na umano’y kinikilan ng suspek.

Inamin ng suspek na hindi siya abogado at tumatayo lamang daw siyang mediator sa
pagitan ng mga biktima para hindi na magsampa ng kaso.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *