Pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental, umapela ng suporta sa online voting

UMAPELA ng suporta ang pambato ng Pilipinas sa 2017 Miss Intercontinental na si
Katarina Rodriguez para sa nagbukas na online voting.

Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto ang Pilipinas kapantay ng Miss Korea na
si Lee Su Jin.

Nangunguna sa online voting si Miss Indonesia Alicia Beverly Weley.

Ang mananalo sa online voting bilang Miss Sunrise Resorts 2017 ay otomatikong pasok
sa top 6 finalist.

Para sa mga supporters ni Katarina, maari bumoto hanggang Enero 23 ng gabi o isang
araw bago ang coronation sa Enero 24.

Si Katarina ang ika-apat na Pinay beauty na sasabak sa Miss Intercontinental pageant
na nagsimula noong taong 2014.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *