5,000 bata nasaktan at napaslang sa giyera sa Yemen—UN

MAHIGIT 5,000 bata na sa Yemen ang nasaktan o napaslang dahil sa malawakang
giyera na nagsimula pa ng noong Marso 2015 ayon sa United Nations (UN).

400,000 naman ang malnourished at mahigit sa 2 milyon ang hindi na nag-aaral.

Ayon pa sa UN, lumalabas na limang bata kada araw ang namamatay simula nang
sumiklab ang labanan sa pagitan ng gobyerno ni Yemeni President Mansour Hadi at ng
Houthi Rebel Movement.

Ikinababahala ni Meritxell Relano ng UNICEF sa Yemen ang sitwasyon ng bansa dahil sa
isang henerasyon umano ng mga kabataang ito ang lumaki na lamang sa karahasan.

Sa kasalukuyan, gumagawa ng mga paraan ang un at ilan pang NGOs upang
matulungang maprotektahan ang mga batang ito kasabay ang pagpapabuti sa
kalusugan ng mga mamamayan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *