Golden State Warriors, muling nilampaso ang Cleveland Cavaliers

MULING nilampaso ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa NBA season sa score na 118-108.

Naging mainit ang sagupaan ng dalawang koponan hanggang sa 3rd quarter kung saan nakaroon ng labing limang pagbabago sa lead score at sampung deadlocks.

Bagama’t lamang ang Cavaliers hanggang sa half time game ay dinomina naman ng defending champion na warriors ang laro sa 3rd at 4th quarter kung saan buhay na buhay ang kanilang depensa.

Kumamada ng 32 points si kevin durant, nag-ambag ng 23 points si Stephen Curry habang gumawa ng 17 points si Klay Thompson.

Hindi naman sapat ang ginawang 32 points ni Lebron James para maipanalo ang kanilang koponan.

Dahil sa tagumpay, nangunguna pa rin ang Warriors sa western conference na may tatlumpu’t anim na panalo at siyam na talo.

Ito na rin ang pang walong panalo ng Warriors sa kanilang huling siyam na laro habang ang Cavaliers ay nanalo pa lamang ng dalawa sa kanilang huling sampung laro.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *