27 katao, patay sa twin suicide bombing sa Iraq

Patay ang hindi bababa sa 27 katao sa magsabay na suicide bombing sa Central
Baghdad.

Ayon sa Iraqi Ministry of Health, maliban sa mga nasawi, higit isandaang indibidwal rin
ang isinugod sa mga pagamutan malapit sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang
pagpapasabog.

Ito na ang ikalawang suicide attacks sa lugar sa loob lamang ng tatlong araw.

Noong sabado, naitala rin ang suicide attacks sa lugar kung saan ilang katao rin ang
naiulat na nasawi at nasugatan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *