Sen. Lacson, hindi naniniwalang nais ng pangulo ang term extension

HINDI naniniwala si Senador Panfilo Lacson na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapalawig ang termino nito kasunod ng isinusulong na federal form of government.

Ayon kay Lacson, kung pagbabatayan ang mga pahayag ng Palasyo at ng mismong pangulo, hindi na gusto ni Duterte na humaba pa ang kanyang panunungkulan.

Aniya, ang mga nasa paligid at kaalyado lamang ng pangulo ang nagnanais na magkaroon ng term extension sa pag-aamyenda ng Saligang Batas.

Partikular na tinukoy ni Lacson ang kamara na tila gigil na gigil na magkaroon ng No-EL scenario sa taong 2019.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *