Priority lane para sa passport application ng mga OFWs, bukas na

MAAARI nang i-avail ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang priority lane para sa passport application.

Ayon kay Office of Consular Affairs Assistant Secretary Frank Cimafranca, hindi na kailangang kumuha ng appointment schedule ng mga OFW sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makapag-renew ng kanilang pasaporte.

Makakasama ng mga OFWs sa priority lane sa mga tanggapan ng DFA ang mga senior citizens, may kapansanan at mga batang edad 7-pababa at single parents sa pag-renew ng kanilang pasaporte.

Sinabi ni Cimafranca na susubukan naman nilang i-accommodate ang mga first time OFW o nag-aaplay pa lang sa pamamagitan ng pagbuo ng special portal na maaring gamitin ng recruitment agencies.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *