Dagdag-sahod ng mga guro, pinamamadali ng Palasyo

MAGANDANG balita para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na sinabi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sunod nang itataas ang sahod ng mga guro na nasa pampublikong
paaralan.

Ayon kay Roque, ang dagdag sweldo para sa mga guro ay mapapaloob sa ikalawang tax reform package na prayoridad ng administrasyon na ipasa sa unang bahagi ng taon.

Kaugnay nito, inatasan na ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management na hanapan ng pondo para maisakatuparan ang dagdag-sahod sa mga
guro.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *