Miami Heat, wagi vs. Utah Jazz

WAGI ang Miami Heat laban sa Utah Jazz sa kanilang paghaharap sa nagpapatutoy na NBA regular season sa iskor na 103-102.

Dikdikan ang laro ng dalawang koponan kung saan halos magpalitan lamang sila ng kalamangan.

Sa huling minuto ng laro, lamang ang Utah Jazz ng tatlong puntos sa iskor na 102-99 matapos naipasok ni Donovan Mitchell ang drive nito.

Sinagot naman ng naturang puntos ng Heat ang iskor ni Mitchell para idikit ang kanilang iskor sa 102-101.

Sa huling pitong segundong laro, nagawang maipasok ni Josh Richarson ang drive nito at kunin ang isang puntos na kalamangan sa iskor na 103-102.

Sumablay naman ang huling tira ng Jazz Mitchell na nagbigay sa pagkakapanalo ng Heat.

Sa ngayon, may apat na winning streak na ang heat at may record na 22 wins at 17 loss.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *