Pag-dismiss sa kaso vs. Ex-Palawan Gov. Reyes, pinalagan ng human rights group

KINONDENA ng human rights group ang pagbasura sa kaso ni Dating Palawan
Governor Joel Reyes kaugnay sa pagkamatay ng mamamahayag na si Gerry Ortega.

Ayon kay Evangeline Hernandez, chairperson ng grupo, nawalan ng hustisya ang
pagkamatay ni ortega dahil sa pagbasura ng Court of Appeals sa kasong murder laban
kay Reyes.

Ikinalulungkot ng grupo ang pagkakadismiss sa kaso gayong inabot umano ng tatlong
taon bago naaresto si Reyes dahil sa pagtatago.

Base sa desisyon ng korte, walang ebidensyang nagpapatunay na may kaugnayan ang
dating gobernador sa pagpatay kay Ortega.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *