NO-EL sa taong 2019, mariing tinututulan ni VP Robredo

TUTOL si Vice President Leni Robredo na magkaroon ng suspensyon ang mid-term
elections sa susunod na taong 2019.

Hindi rin sang-ayon si Robredo sa pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang
opisyal sa gitna ng isinusulong ng administrasyong Duterte na baguhin ang porma ng
gobyerno tungo sa federalismo.

Binigyang diin ng pangalawang pangulo na kontrang-kontra siya sa ‘No Elections’.

Aniya ang halalan ay maituturing na pinakabuod ng demokrasya sa bansa.

Giit ni Robredo na silang mga halal na opisyal ng gobyerno ang magsisilbing boses ng
madla at hindi boss ng mga masa.

Tinawag pa nitong ‘self-serving’ ang pagpapalawig ng termino ng mga incumbent
officials
.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *