UN-Security Council, magpupulong kaugnay sa kaguluhan sa Iran

PLANO ng United Nations (UN)Security Council na magpatawag ng emergency meeting hinggil sa Iran.

Kasunod ito ng kahilingan ng Amerika sa world body na magpakita ng suporta para sa mga raliyista kontra sa pamahalaan ng Iran.

Dahil hati ang mga pananaw ng UN council members sa mga demonstrasyon sa Islamic Republic, hindi pa malinaw kung paano maisasagawa ang pag-uusap hinggil dito.

Ayon sa interior minister ng Iran, mahigit apatnapu katao ang lumahok sa isang linggong kilos-protesta laban sa Iranian Government.

Nasa dalawampu’t isa katao na ang nasawi habang daan-daang iba pa ang nadakip dahil sa anti-government protest.

Inakusahan naman ng prosecutor general ng Iran na ang amerika ang “main designer” ng mga demonstrasyon, bagay na itinanggi ng administrasyon ni US President Donald Trump.

 

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *