Taas-presyo sa mga sweetened beverages, asahan sa mga susunod na linggo

ASAHAN na sa kalagitnaan ng ngayong buwan ang paggalaw sa presyo ng mga sweetened beverages bunsod ng pagpapatupad ng excise tax ngayong taon.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, may mga stocks pa na produkto ang mga tindahan na tatagal ng dalawang linggo kaya hindi pa mararamdaman ang dagdag-presyo sa ilang sweetened beverages.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, madaragdagan ng P6.00 ang kada litro ng mga inuming may sangkap na caloric and non-caloric sweeteners habang P12.00 naman sa mga may high-fructose corn syrup

Samantala, hindi naman kasama sa mga sweetened beverages na papatawan ng excise tax ang milk at milk-based products, “3-in-1” coffee, 100 percent natural fruit and vegetable juices, meal replacement and medically indicated beverages, at beverages sweetened gamit ang coco sugar o stevia.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *