Sinibak na si Marcial Amaro III, nagpaliwag kaugnay sa maluho umano nitong byahe sa ibang bansa

DINEPENSAHAN ng pinatalsik na administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA) na si Marcial Amaro III ang kanyang kontrobersyal na biyahe sa ibang bansa.

Nilinaw ni Amaro na bahagi ng kanyang trabaho ang foreign trips.

Ipinaliwanag nito na isang international organization ang MARINA at isa rin itong specialized organization ng pamahalaan.

Inamin ni Amaro na dalawampu’t isang beses ito nakabiyahe sa ibang bansa sa kanyang isa at kalahating taong pagsisilbi bilang administrator ng ahensya.

Gayunman, lahat ng kanyang foreign trips ay aprubado ng Department Of Transportation (DOTR).

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Amaro dahil sa kanyang excessive travels.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *