Mga kumpanya ng langis, pinagsusumite ng ‘notarized inventory’ report

PINAGSUSUMITE ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis ng notarized inventory report hanggang noong huling araw ng Disyembre ng nakaraang taon.

Tinukoy ni Energy Undersecretary Donato Marcos na alinsunod sa inilabas nilang memorandum, dapat ay “per depot” at “per product basis” ang imbentaryo ng mga oil companies para sa kanilang effective monitoring.

Sinabi ni Marcos na mandato rin ng mga kumpanya ng langis na obligahin ang mga retailer na mag-post ng transparency notice ng bagong excise tax para sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa pamamagitan ng signage na may sukat na 1m x 1m.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *