DILG Usec. Eduardo Año at DILG Sec. Cuy, binalasa sa kanilang mga posisyon sa gabinete

ITINALAGA ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si DILG Usec. Eduardo Año bilang officer- in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito ‘y matapos na ilipat ng pangulo si DILG Secretary Catalino Cuy bilang chairman ng Dangerous Drug Board (DDB).

Papalitan naman ni Cuy ang sinibak na si Ret. Gen. Dionisio Santiago kasunod ng naging komento nito sa pagpapatayo ng Mega Drug Rehab Center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Samantala, matatandaan naman na una nang sinabi ng pangulo na itatalaga si Año bilang DILG secretary kapalit ng sinibak na si Ismael Sueno.

Sa ngayon mananatiling OIC si Año alinsunod na rin sa batas na hindi maaaring italaga ang sinumang retired AFP chief sa cabinet post sa loob ng isang taon matapos ang pagreretiro nito.

Si Año ay nagretiro noong Oktubre 26, 2017.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *