Barangay chairman sa Pasay City, itinumba ng riding-in-tandem

PATAY ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa tapat ng village square kanto ng Harrison Street corner Pablo Ocampo Street sa Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Barangay 14 Chairman Abdul Munap Akok.

Sa kwento ng isa sa mga nakasaksi, pagkababa pa lamang ng motorsiklo ni Akok ay agad itong pinagbabaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang sampu na basyo ng bala.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *