Online paluwagan,’ invest wait & earn nga ba?

Isa sa popular na social media site ngayon ay ang Facebook. Bukod sa mabilis gamitin ay user-friendly din ang app na ito. Sa ngayon maging mga bata at matatanda ay mayroon nito. Simula noong naipakilala ito ni Mark Zuckerberg, taong 2004, ay nag-clicked na agad ito sa mga tao. Saan mang panig ng mundo, kilala at ginagamit ang app na Facebook.

ADVANTAGE NG FACEBOOK

Isa sa pakinabang ng Facebook app ngayon ay ang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga mahal mo sa buhay na nasa ibang bansa. Sa Facebok, mayroon silang Messenger na nagsisilbing tulay para makausap ang mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar. Kumbaga, dati ay mayroong telegrama sa panahon ngayon mayroon namang Facebook Messenger. Mas mabilis nga lang sa Facebook Messengerkumpara sa telegrama noon. Ang pagiging updated din sa mga current events o news ang isa sa kapaki-pakinabang ng Facebook. Karamihan o kadalasan ng mga news agencies ngayon ay mayroon ng Facebook pagepara mas mabilis maihatid ang mga balita. Mayroon din namang ginagamit ang Facebook para magkaroon ng pagkakakitaan. Gaya na lamang ng mga online shops, online marketing at ang nauuso ngayon na online paluwagan.

PALUWAGAN SA PILIPINAS

Paluwagan ang tawag ng mga Pilipino na kung saan sinasabing isang form strategy ng money lending at savings system dito sa Pilipinas. Nauuso o kilala ang paluwagan sa isang malaking grupo ng magkakakilala at pwede din naman sa isang kumpanya. Tinuturing din na isang uri ng pag-iipon ang paluwagan dito sa Pilipinas.

Paano nga ba makapagsisimula o tumatakbo ang paluwagan? Kadalasan sa paluwagan ay nagsisimula sa isang grupo ng magkakaibigan, officemates, kapitbahay at kapamilya mismo. Ang grupo ay magdedesisyon kung paano ang kanilang bayaran. Mayroong daily, weekly at monthly basis depende sa halaga na napag-uusapan.

Sa grupo na ito ay mayroong tinatawag na collector/treasurer na siyang responsable sa paghahawak ng pera ng mga miyembro at siya din ang responsable sa pagpapasahod/sweldo sa mga ito.

ONLINE PALUWAGAN, GOOD OR BAD?

Marami ang nahuhumaling o naaakit sumali sa ganitong klase ng sistema sapagkat kilala at dahil sa may tiwala ang mga taong sumali dito. Ngunit paano ka nga ba makasisiguro na ang mga kasali sa paluwagan ay mapagkakatiwalaan? Lalo pa’t kung ito ay online basis? Dala ng makabagong teknolohiya ang ganitong uri ng money scheme.

May mga kumakalat o nauuso ngayon sa Facebook na ganitong klase ng paluwagan na tinatawag nilang online paluwagan. Kagaya lamang ng aktwal na paluwagan ang online paluwagan, pinagkaiba lang sa online paluwagan ay hindi mo kilala ang mga kasali.

Paano nga ba makasisiguro na ang online paluwagan na iyong nasalihan ay legit o hindi scam lamang? Ayon sa website na onlinepaluwagan.blogspot.com, bago ka sumali sa ganitong klase ng money scheme ay kailangan mo munang suriin nang mabuti kung ito ay legal. Hindi naman nagkukulang ang ahensiya ng Department of Trade & Industry (DTI) na bigyan ng babala ang publiko tungkol dito. Ngunit sa kabila nito, mayroon pa rin namang hindi maiwasan ang sumali dito sapagkat sa mabilis ang return ng nilabas na pera. Noong nakaraang taon lamang ay may 20 indibidwal na ang nagoyo ng milyong piso na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *