Pasok sa Lungsod ng Maynila, suspendido sa Enero 9

WALANG pasok ang mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod ng Maynila sa Enero 9.

Kasunod ito ng isasagawang taunang prusisyon ng Poong Itim na Nazareno na inaasahang dadaluhan ng 19 milyong deboto.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 01 na nilagdaan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, suspendido ang pasok sa lahat ng unibersidad, kolehiyo at mga paaralan maging sa mga opisina ng pamahalaang panlungsod.

Nakasaaad din sa EO na ang suspensyon naman sa pasok sa mga tanggapan ng pambansang gobyerno maging ng mga pribadong opisina ay nasa diskresyon ng mga pinuno nito.

Ang naturang suspensyon ng pasok ay para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko sa naturang araw at maiwasan din ang pagsisikip ng trapiko.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *