AFP, tutulong sa pagbibigay ng seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno

TUTULONG ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ipatutupad na seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay Joint Task Force National Capital Region Commander Brigadier General Allan Arrojado, nasa mahigit 500 sundalo ang kanilang ide-deploy sa pagdarausan ng Translacion.

Tiniyak din ng AFP na wala silang natatanggap na anumang banta sa Traslacion.

Una nang iginiit ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy sila ng mahigit 5,000 pulis upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto ng Itim na Nazareno.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *