MPD, naghahanda na sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9

NAGSAGAWA ng ocular inspection ang Manila Police District (MPD) sa daraanan ng traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Kasama ng MPD sa pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection (BFP) at Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel, inimbitahin nila ang mga nasabing ahensya para makita ang mga posibleng sagabal sa ruta.

Sinabi ni Coronel na kabuuang 5.96 kilometro ang daraanan ng traslacion na
magsisimula sa Quirino Grandstand hanggang makabalik sa Quiapo Church.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *