SPD, walang naitalang biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

WALANG tinamaan ng ligaw na bala sa areas of responsibility ng Southern
Police District nitong holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong
taon.

Batay sa Consolidated Incident Report ng SPD, mula Disyembre 16, 2017
hanggang alas-7 ng gabi nitong Enero 1, 2018, nakapagtala lamang ito ng
apat na insidente ng illegal discharge of firearms, isa sa Las Piñas, isa sa
Makati at dalawa naman sa Taguig City.

Ayon kay SPD Spokesperson, Police Supt. Jenny Tecson, umabot naman sa
limampu’t dalawa ang na-monitor nilang firecracker-related injuries, sampu
sa Taguig, tatlo sa Makati, labing-lima sa Pasay, siyam sa Parañaque, pito sa
Las Piñas at walo naman sa Muntinlupa.

Mayroon naman dalawang nahuling nagbebenta at nagtataglay ng bawal na
paputok sa BF Homes, Parañaque City.

Nakilala ang mga ito na sina Jamil Lawi at John Shiedon Rebollo, kapwa
residente sa lugar.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Samantala, ayon sa SPD, wala rin silang naitalang sunog dahil sa paputok sa
kanilang mga nasasakupang lugar.

(Ulat ni Mike Almonte)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *