Panukalang batas na nagbibigay immunity sa Pamilyang Marcos, ipinauubaya ng Malakanyang sa mga mambabatas

HINDI totoong nagkaroon ng compromise deal sa pagitan ng Malakanyang at
pamilya ng mga Marcos kaugnay sa pagsauli ng bahagi ng ill-gotten wealth
nito sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na bagaman nagsumite si
Atty. Oliver Lozano (kilalang Marcos Loyalist) ng proposal kaugnay sa
pagbalik ng bahagi ng umanoy mga nakaw na yaman ay hindi pa ito
naaksyunan ng Malakanyang.

Ayaw naman makialam ng Malakanyang kaugnay sa panukalang batas sa
Kamara na magbibigay ng immunity sa Pamilyang Marcos at pagpahintulot
na pagkasunduan ang mga sequestered assets nito.

Binigyang diin ni Roque ang pagkakaroon ng separation of powers ng
Kongreso at ehekutibo at ipinapaubaya na nito sa mga mambabatas ang
desisyon kaugnay sa panukalang batas.

Kinumpirma naman ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador
Panelo na natanggap nila ang mga proposal na isinumite ni Lozano ngunit
wala pa itong aksyon na ginawa kaugnay dito.

(Ulat ni Hannah Jane Sancho)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *