Isang lalaki sa QC, nahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa pagpapaputok ng baril at nakabiktima ng isang lola

NAHAHARAP ngayon sa patong-patong na kaso ang lalaki matapos
magpaputok ng baril at tamaan ng bala ang isang lola sa Quezon City.

Humihimas na ng rehas na bakal sa QCPD Station 10 ang suspek na si
Edmund Barber ,nasa wastong taong gulang na itinuturong nagpaputok ng
hindi mabatid na kalibreng baril at minalas na tumama sa binte ng 80 anyos
na lola habang ito ay naglalakad sa Cubao, Quezon City.

Agad naman naisugod sa East Ave. Medical Center ang lola.

Ayon kay QCPD Station Comander Col. Christian De La Cruz, ang suspek ang
tinuturo ng mga testigo na siyang nakitang nagpaputok ng baril at tamaan
ng ligaw na bala ang 80 anyos na lola na ngayon ay nanatili pa sa naturang
pagamutan.

(Ulat ni Jimmy Mendoza)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *