Saranggani province, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang Saranggani Province, bago mag 9:00 kagabi.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol, 236 kilometro Timog-Silangan ng Saranggani at may lalim ito na 12 kilometro.

Tectonic naman ang origin ng naturang lindol.

Sa ngayon, wala pang naiulat na nasari o nasawi sa naturang lindol.
Inaasahan naman ang aftershocks sa naturang pagyanig.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *