Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, nagbitiw sa pwesto

NAGBITIW na sa pwesto si Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Sa kanyang speech kahapon, sinabi ni Pulong na ang kanyang pagbaba sa pwesto ay dahil sa delicadeza.

Kasunod ito ng pagkakasangkot niya sa umano’y pagpasok ng P6.4-billion halaga ng shabu shipment mula China kasama ang bayaw nito na si Atty. Manes Carpio ang asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kasama na rin sa naging dahilan ng pagbibitiw nito ang away sa pagitan nila ng kanyang anak na si Isabel na naging kontrobersyal matapos ang photo shoot nito sa Malakanyang.

Una nang ipinahayag ni Pulong ang plano nitong pagbibitiw sa pulitika oras na matapos ang kanyang termino sa 2019.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang bise-alkalde sa lahat ng kanyang naging taga-suporta at umaasa pa rin ito na makapagsisilbi sa kanyang bayan.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang palasyo sa isyu.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *