20 katao, patay sa banggaan ng jeep at bus sa La Union

PATAY ang dalawpung katao sa naganap na banggaan ng bus at jeep sa bayan ng Agoo, La Union.

Base sa inisyal na impormasyon, sakay lahat ng jeep ang mga nasawi kabilang na dito ang isang five-month old na sanggol.

Tinangka pa umanong isugod sa malapit na pagamutan ang mga biktima ngunit idineklara din itong dead-on arrival.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nag-overtake umano ang jeep sa isang sasakyan dahilan para lumabas ito sa kanilang lane at sumalpok sa kasalubong na bus ng Partas na patungo naman sa Ilocos.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *