Mabigat ng daloy ng trapiko sa mga lugar na daraanan ng MMFF Parade, asahan na

PINAYUHAN ng Muntinlupa Traffic Management Bureau ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta sa kasagsagan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade simula mamayang tanghali.

Magsisimula ang parade of stars sa Muntinlupa Sports Center hanggang sa Filinvest Center.

Sa mga motoristang dadaan sana sa Tunasan, San Pedro at Biñan hanggang Northbound, makabubuting dumaan sa Susana Heights Access Road hanggang SLEX at lumabas sa Alabang Filinvest Toll Plaza.

Sa mga papunta naman ng Poblacion hanggang Northbound o Southbound ay mainam na pumasok sa  Katarangan Gate mula Daang Hari Road, kaliwa sa  J. Abad Santos Street, kanan sa  C. Arellano Street hanggang makabalik muli sa Daang Hari Road.

Dahil sarado rin ang Soldiers Hills, Mutual Homes, Camella Homes, Pleasant Village sa RCE Homes hanggang sa anumang destinasyon sa parade of stars ay pinapayuhan ang mga motorista na pumasok sa access road at sundin ang directional signs.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *