Christmas Day Game sa pagitan ng Cavs vs Warriors, inaabangan na ng mga fans

INAABANGAN na ng mga fans ng NBA ang muling paghaharap ng
defending champion na Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa
araw ng pasko.

Ito ang unang paghaharap ng dalawang koponan ngayong season matapos
ang kanilang laban noong 2016-2017 Finals.

Samantala, hindi naman makakalaro sa paghaharap ng Cavs at Warriors si
Stephen Curry dahil sa injury.

Sasailalim muli si Curry sa re-evaluation sa Disyembre 26 at doon pa lamang
malalaman kung kailan maaring bumalik sa hard court ang NBA star.

Nasungkit ng Golden State Warriors ang siyam na sunod-sunod na panalo,
kabilang ang limang laro na wala si Curry.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *