3 katao, patay habang 100 sugatan sa train crash sa Washington

TATLO katao ang kumpirmadong patay habang 100 katao ang sugatan nang
madiskaril ang tren sa motorway sa Washington, USA.

Apat sa mga nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon.

Nadiskaril ang Amtrak Passenger Train sa labas ng Tacoma sa isang bagong
ruta sa DuPont sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.

Pitong sasakyan ang napinsala sa pagkadiskaril ng tren na ikinasugat ng
ilang motorista at kanilang pasahero.

Lulan ng tren ang 77 pasahero at 7 crew member.


Ito ang unang pagkakataon na nadiskaril ang Amtrak Train sa bago at
maiksing ruta.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *