Nuclear program ng NoKor, tinalakay nina Trump at Putin

Pinag-usapan sa telepono nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin ang krisis sa nuclear program ng North Korea.

Ayon sa White House, tinalakay ng dalawang pinuno ng bansa ang sitwasyon sa ilang crisis zones.

Partikular sa pagtutok sa pagresolba ng nuclear issue sa Korean Peninsula.

Sinabi ng white house na nagtutulungan sina Trump at Putin para maresolba ang mapanganib na sitwasyon sa North Korea.

Nagpasalamat naman ang US president kay Putin sa pagkilala sa malakas na economic performance ng Amerika sa kanyang taunang press conference.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *