Kylie Verzosa, nagbalik-tanaw sa naging kapalaran ni Mariel De Leon sa Miss International

NI-REVEAL ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na sobrang lungkot siya nang hindi makasali si Mariel De Leon sa semifinals ng 57th Miss International noong November 14, 2017 sa Japan.

Nabigla aniya ito nang makita niya ang listahan dahil isa siya sa nagsilbing hurado sa pageant.

Kwento ni Kylie, noong hindi niya makita ang pangalan ni Mariel sa listahan ay hinanap pa niya ito at nagtanong pa siya kung may second list.

Inamin ni Kylie na nahirapan siyang lumabas matapos niyang makita ang listahan.

Batid din ni Kylie kung ano ang pakiramdam ng mga magulang ni Mariel maging ng kanilang mentors.

Dagdag ni Kylie na ibinigay niya kay Mariel ang kanyang moral support.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *