Ilang miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko

PITONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa bayan ng Milagros, Masbate.

 

Tumanggi naman si 2nd Infantry Battalion Commander Lt. Col John Oliver na ilabas ang anumang impormasyon ng mga sumukong rebelde para sa kanilang seguridad.

 

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang iba’t ibang uri ng armas gaya ng M16 rifle, Kalibre .45 at Kalibre .48 na baril, dalawang rifle grenade, shot gun at mga ammunitions.

 

Ayon sa militar, resulta umano ito ng patuloy na panawagan sa mga rebelde na magbalik-loob sa gobyerno.

 

Kaugnay nito, nangako ang DILG na ibibigay sa mga sumukong rebelde ang mga benepisyo na ipinangako ng pamahalaan.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *