Closed van, nasunog sa ibabaw ng EDSA-Ortigas Flyover

NASUNOG ang isang closed van sa ibabaw ng flyover sa northbound ng EDSA-Ortigas.

 

Ayon sa Metrobase, nagsimulang magliyab ang closed van na may plakang WJJ 835, dakong 11:57 ng gabi.

 

Tumagal ng halos 30 minuto bago naapula ng mga bumbero ang apoy bandang 12:30  ng hatinggabi.

 

Nagdulot ng matinding bigat sa daloy ng trapiko sa northbound lane ng EDSA ang naganap na sunog.

 

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Department ang sanhi ng sunog.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *