DISGRASYA : Military truck, nahulog sa bangin; 2 sundalo, patay

DALAWANG sundalo ang patay habang walo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang military truck sa Antipas, North Cotabato.

 

Ayon kay Philippine Army 39th Infantry Battalion Civil Military Operations Officer Lieutenant Silver Belvis, binabagtas ng truck ang Antipas-Arakan Road nang mahulog ito sa sampung talampakang lalim ng bangin.

 

Nabatid na nawalan ng kontrol ang driver matapos iwasan ang batang bigla na lamang umanong tumawid sa kalsada.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *