WAGI : Rockets, nasungkit ang 8th straight win

Muli na namang namayagpag ang Houston Rockets sa NBA.

Ito’y matapos ilampaso ng Rockets ang Utah Jazz sa iskor na 112-101.

Kumamada ng 29 points at 5 rebounds si James Harden habang nag-ambag ng 23 points si Ryan Anderson.

Nagpaulan ng pitong 3-point shots sina Harden at Anderson sa third quarter ng laro.

Nagdagdag pa sa panalo ng Rockets ang ginawang 18 points at 13 assists ni Chris Paul.

Ito na ang ika-8 sunod na panalo ng Rockets.

Umiskor naman si Donovan Mitchell ng 26 points at gumawa ng 17 points si Alec Burks para naman sa Jazz.

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *