PANUTO SA OPERASYON: PNP, may bagong panuntunan sa pagsabak sa war on drugs

MAY mga bagong polisiya ang Philippine National Police (PNP) na ipatutupad sa muling
pagsabak nila sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos kasunod ng muling
pagbabalik ng PNP sa war on drugs.

Sinabi ni Carlos na may tatlong bagong instructions si Pnp Chief Ronald Dela Rosa sa
kanilang muling pagsabak sa operasyon kontra ilegal na droga.

Ayon kay carlos, gagamit na sila ng body cameras upang maiwasan ang mga alegasyon
ng iregularidad sa operasyon.

Hangad din daw ng PNP na mahuli ng buhay ang mga drug suspects at maiwasan ang
madugong operasyon.

Tiniyak din ni Carlos na hindi bibigyan ng pagkakataon ang mga police scalawags na
magamit ang kampanya kontra ilegal na droga.

Samantala, muling ipatutupad ng PNP ang kanilang Oplan Tokhang sa ilalim ng Oplan
Double Barrel dahil ito umano ang pinaka-epektibong paraan para mapasuko ang mga
drug personalities.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *