BAGONG HEPE? : Deputy Dir. Gen. Ramon apolinario, posibleng susunod na PNP chief

NANGUNGUNA bilang susunod na Philippine National Police (PNP) chief si Police Deputy Director General Ramon Apolinario.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa Enero 21 ng susunod na taon.

Sinabi ni Carlos na si Apolinario ang number contender kung pagbabatayan ang ranking, seniority, professional accomplishment at competence.

Ayon kay Carlos, kabilang din si Apolinario sa tatlong pinagpilian noon ni Pangulong
Rodrigo Duterte para maging PNP chief kasama sina Dela Rosa at Police Director Rene
Aspera.

Pero ayon kay Carlos, si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang makakapagkumpirma
kung sino ang magiging susunod na
PNP chief.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *