Libo-libong residente sa Southern California, inilikas dahil sa wildfire

TULOY-TULOY ang isinasagawang paglilikas sa mga residente ng Ventura at Santa
Paula County sa Southern California kasunod ito ng wildfire na nararanasan sa lugar.

Base sa tala ng mga otoridad aabot na sa 45,000 ektaryang mga lupain ang nasunog
dahil sa wildfire.

Kaugnay nito, nagdeklara na si California Gov. Jerry Brown ng state of emergency sa
Ventura County na pinaka apektado ng sunog.

Patuloy namang inaalam ang bilang ng mga nasunog na mga kabahayan at kung may
nasawi sa nagpapatuloy na wildfire.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

print
Share it online!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *